Mga Gawa 24

At nadatnan nila ako doon sa Templo na naghahandog matapos kong gawin ang seremonya ng paglilinis. Wala akong kasamang maraming tao, at wala ring kaguluhan.

Acts 24:18 (UKJV) Whereupon certain Jews from Asia found me purified in the temple, neither with multitude, nor with tumult.

16Kaya pinagsisikapan ko na laging maging malinis ang aking konsensiya sa harapan ng Diyos at ng mga tao.

17“Pagkalipas ng ilang taóng wala po ako sa Jerusalem, bumalik po ako doon upang magdala ng tulong para sa aking mahihirap na kababayan, at upang mag-alay ng handog.

18At nadatnan nila ako doon sa Templo na naghahandog matapos kong gawin ang seremonya ng paglilinis. Wala akong kasamang maraming tao, at wala ring kaguluhan.

19Ngunit may mga Hudyo roon na galing sa lalawigan ng Asia. Sila sana ang dapat humarap sa inyo kung talagang may akusasyon sila laban sa akin.

20At dahil wala sila rito, ang mga tao na lang na naririto ang magsasabi kung anong kasalanan ang nakita nila sa akin nang imbestigahan ako sa harap ng Sanhedrin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.