Mga Gawa 24

“Pagkalipas ng ilang taóng wala po ako sa Jerusalem, bumalik po ako doon upang magdala ng tulong para sa aking mahihirap na kababayan, at upang mag-alay ng handog.

Acts 24:17 (UKJV) Now after many years I came to bring alms to my nation, and offerings.

15Ang pag-asa ko sa Diyos ay katulad din ng pag-asa nila, na ang lahat ng tao, mabuti man o masama, ay muli niyang bubuhayin.

16Kaya pinagsisikapan ko na laging maging malinis ang aking konsensiya sa harapan ng Diyos at ng mga tao.

17“Pagkalipas ng ilang taóng wala po ako sa Jerusalem, bumalik po ako doon upang magdala ng tulong para sa aking mahihirap na kababayan, at upang mag-alay ng handog.

18At nadatnan nila ako doon sa Templo na naghahandog matapos kong gawin ang seremonya ng paglilinis. Wala akong kasamang maraming tao, at wala ring kaguluhan.

19Ngunit may mga Hudyo roon na galing sa lalawigan ng Asia. Sila sana ang dapat humarap sa inyo kung talagang may akusasyon sila laban sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.