Mga Gawa 24

Ang pag-asa ko sa Diyos ay katulad din ng pag-asa nila, na ang lahat ng tao, mabuti man o masama, ay muli niyang bubuhayin.

Acts 24:15 (UKJV) And have hope toward God, which they themselves also allow, that there shall be a resurrection of the dead, both of the just and unjust.

13Hindi nga po nila mapatunayan sa inyo na totoo ang kanilang akusasyon sa akin.

14Subalit, inaamin kong sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno bilang alagad ng Daan na itinuturing nilang kulto. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nakasaad sa Kautusan at sa isinulat ng mga Propeta.

15Ang pag-asa ko sa Diyos ay katulad din ng pag-asa nila, na ang lahat ng tao, mabuti man o masama, ay muli niyang bubuhayin.

16Kaya pinagsisikapan ko na laging maging malinis ang aking konsensiya sa harapan ng Diyos at ng mga tao.

17“Pagkalipas ng ilang taóng wala po ako sa Jerusalem, bumalik po ako doon upang magdala ng tulong para sa aking mahihirap na kababayan, at upang mag-alay ng handog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.