Mga Gawa 25

“Sinabi ko sa kanila na hindi kaugaliang Romano na parusahan ang kahit sino na hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya.

Acts 25:16 (UKJV) To whom I answered, It is not the manner of the Romans to deliver any man to die, before that he which is accused have the accusers face to face, and have licence to answer for himself concerning the crime laid against him.

14Sa kanilang pananatili doon ng ilang araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito si Felix.

15Noong pumunta ako sa Jerusalem, inakusahan ang taong ito ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Hiniling nila sa akin na hatulan ko siya.”

16“Sinabi ko sa kanila na hindi kaugaliang Romano na parusahan ang kahit sino na hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya.

17Kaya nang sumáma sila sa akin pabalik dito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at iniutos kong dalhin sa akin ang taong ito.

18Ngunit ang mga paratang sa kanya ay hindi naman talaga mabibigat gaya ng inaasahan ko.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.