Mga Gawa 25

Sa kanilang pananatili doon ng ilang araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito si Felix.

Acts 25:14 (UKJV) And when they had been there many days, Festus declared Paul's cause unto the king, saying, There is a certain man left in bonds by Felix:

12Nakipag-usap agad si Festo sa mga miyembro ng kanyang korte, at pagkatapos ay sinabi niya kay Pablo, “Dahil gusto mong umapela sa Emperador, ipapadala kita sa kanya.”

13Pagkalipas ng ilang araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at ang kanyang kapatid na si Bernice dahil gusto nilang magbigay-galang kay Festo.

14Sa kanilang pananatili doon ng ilang araw, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May bilanggong iniwan dito si Felix.

15Noong pumunta ako sa Jerusalem, inakusahan ang taong ito ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo. Hiniling nila sa akin na hatulan ko siya.”

16“Sinabi ko sa kanila na hindi kaugaliang Romano na parusahan ang kahit sino na hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.