Mga Gawa 25

Hindi ko alam kung anoʼng gagawin sa kasong ito, kaya tinanong ko si Pablo kung gusto niyang pumunta sa Jerusalem para doon mismo litisin ang kaso.

Acts 25:20 (UKJV) And because I doubted of such manner of questions, I asked him whether he would go to Jerusalem, and there be judged of these matters.

18Ngunit ang mga paratang sa kanya ay hindi naman talaga mabibigat gaya ng inaasahan ko.

19Sa halip, ang mga bagay na pinagtatalunan nila ay tungkol lang sa relihiyon nila at sa isang taong ang pangalan ay Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit iginiit ni Pablo na buháy siya.

20Hindi ko alam kung anoʼng gagawin sa kasong ito, kaya tinanong ko si Pablo kung gusto niyang pumunta sa Jerusalem para doon mismo litisin ang kaso.

21Ngunit sinabi ni Pablo na lalapit na lang siya sa Emperador upang siya na mismo ang magpasya. Kaya nag-utos ako na bantayan siya hanggang maipadala ko siya sa Emperador.”

22Sinabi ni Agripa kay Festo, “Gusto kong mapakinggan ang taong ito.” “Sige, bukas mapapakinggan mo siya,” sagot ni Festo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.