Mga Gawa 25

Sa halip, ang mga bagay na pinagtatalunan nila ay tungkol lang sa relihiyon nila at sa isang taong ang pangalan ay Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit iginiit ni Pablo na buháy siya.

Acts 25:19 (UKJV) But had certain questions against him of their own superstition, and of one Jesus, which was dead, whom Paul affirmed to be alive.

17Kaya nang sumáma sila sa akin pabalik dito, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at iniutos kong dalhin sa akin ang taong ito.

18Ngunit ang mga paratang sa kanya ay hindi naman talaga mabibigat gaya ng inaasahan ko.

19Sa halip, ang mga bagay na pinagtatalunan nila ay tungkol lang sa relihiyon nila at sa isang taong ang pangalan ay Hesus. Patay na ang taong ito, ngunit iginiit ni Pablo na buháy siya.

20Hindi ko alam kung anoʼng gagawin sa kasong ito, kaya tinanong ko si Pablo kung gusto niyang pumunta sa Jerusalem para doon mismo litisin ang kaso.

21Ngunit sinabi ni Pablo na lalapit na lang siya sa Emperador upang siya na mismo ang magpasya. Kaya nag-utos ako na bantayan siya hanggang maipadala ko siya sa Emperador.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.