Mga Gawa 25

At hiniling nila kay Festo bilang pabor, na ipadala niya si Pablo sa Jerusalem. Ngunit balak pala nilang tambangan si Pablo sa daan at patayin.

Acts 25:3 (UKJV) And desired favour against him, that he would send for him to Jerusalem, laying wait in the way to kill him.

1Tatlong araw matapos dumating si Festo sa Cesarea, pumunta siya sa Jerusalem.

2Lumapit sa kanya ang mga namamahalang pari at mga pinuno ng mga Hudyo para iharap ang kanilang paratang laban kay Pablo.

3At hiniling nila kay Festo bilang pabor, na ipadala niya si Pablo sa Jerusalem. Ngunit balak pala nilang tambangan si Pablo sa daan at patayin.

4Sumagot si Festo, “Nakabilanggo sa Cesarea si Pablo at babalik ako roon sa lalong madaling panahon.

5Kaya pasamahin ninyo sa akin ang ilan sa inyong mga pinuno at doon ninyo siya akusahan kung may nagawa siyang masama.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.