Mga Gawa 25

Mahigit isang linggong nanatili si Festo sa Jerusalem, at pagkatapos, bumalik siya sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo.

Acts 25:6 (UKJV) And when he had tarried among them more than ten days, he went down unto Caesarea; and the next day sitting on the judgment seat commanded Paul to be brought.

4Sumagot si Festo, “Nakabilanggo sa Cesarea si Pablo at babalik ako roon sa lalong madaling panahon.

5Kaya pasamahin ninyo sa akin ang ilan sa inyong mga pinuno at doon ninyo siya akusahan kung may nagawa siyang masama.”

6Mahigit isang linggong nanatili si Festo sa Jerusalem, at pagkatapos, bumalik siya sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo.

7Pagpasok ni Pablo, pinaligiran agad siya ng mga pinuno ng mga Hudyo na galing sa Jerusalem, at inakusahan siya ng mabibigat na kasalanan, ngunit hindi naman nila ito kayang patunayan.

8Ipinagtanggol ni Pablo ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Wala akong nagawang kasalanan laban sa Kautusan ng mga Hudyo, sa Templo, o kayaʼy sa Emperador ng Roma.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.