5Kaya pasamahin ninyo sa akin ang ilan sa inyong mga pinuno at doon ninyo siya akusahan kung may nagawa siyang masama.”
6Mahigit isang linggong nanatili si Festo sa Jerusalem, at pagkatapos, bumalik siya sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo.
7Pagpasok ni Pablo, pinaligiran agad siya ng mga pinuno ng mga Hudyo na galing sa Jerusalem, at inakusahan siya ng mabibigat na kasalanan, ngunit hindi naman nila ito kayang patunayan.
8Ipinagtanggol ni Pablo ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Wala akong nagawang kasalanan laban sa Kautusan ng mga Hudyo, sa Templo, o kayaʼy sa Emperador ng Roma.”
9Dahil nais ni Festo na magustuhan siya ng mga Hudyo, tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem, para doon kita litisin tungkol sa mga paratang na ito?”