Mga Gawa 25

Dahil nais ni Festo na magustuhan siya ng mga Hudyo, tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem, para doon kita litisin tungkol sa mga paratang na ito?”

Acts 25:9 (UKJV) But Festus, willing to do the Jews a pleasure, answered Paul, and said, Will you go up to Jerusalem, and there be judged of these things before me?

7Pagpasok ni Pablo, pinaligiran agad siya ng mga pinuno ng mga Hudyo na galing sa Jerusalem, at inakusahan siya ng mabibigat na kasalanan, ngunit hindi naman nila ito kayang patunayan.

8Ipinagtanggol ni Pablo ang kanyang sarili. Sinabi niya, “Wala akong nagawang kasalanan laban sa Kautusan ng mga Hudyo, sa Templo, o kayaʼy sa Emperador ng Roma.”

9Dahil nais ni Festo na magustuhan siya ng mga Hudyo, tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem, para doon kita litisin tungkol sa mga paratang na ito?”

10Sumagot si Pablo, “Nandito na ako sa korte ng Emperador, kaya dito nʼyo ako dapat litisin. Wala akong nagawang kasalanan sa mga Hudyo at alam naman ninyo ʼyan.

11Kung totoong lumabag ako sa kautusan at dapat akong parusahan ng kamatayan, tatanggapin ko ang hatol sa akin. Ngunit kung walang katotohanan ang kanilang akusasyon sa akin, hindi ako dapat ipagkatiwala sa kanila. Aapela ako Emperador ng Roma!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.