12“Iyan ang dahilan kung bakit ako pumunta sa Damasco taglay ang kapangyarihan at pahintulot ng mga namamahalang pari.
13Tanghaling-tapat po noon, Haring Agripa, at habang naglalakbay ay nakakita ako ng liwanag mula sa langit na nakakasilaw pa kaysa sa araw. Nagningning ang liwanag sa palibot namin ng mga kasama ko.
14Natumba kaming lahat, at may narinig akong tinig na nagsalita sa akin sa wikang Arameo: ‘Saulo, Saulo! Bakit mo ako inuusig? Sinasaktan mo lang ang iyong sarili gaya ng bakang sumisipa sa matulis na kahoy.’
15“Nagtanong ako, ‘Sino po kayo, Panginoon?’ ” “Sumagot ang Panginoon, ‘Ako si Hesus na inuusig mo.
16Bumangon ka at tumayo. Nagpakita ako sa iyo dahil pinili kita na maging lingkod ko. Ipahayag mo sa iba ang tungkol sa pagpapakita ko sa iyo ngayon, at tungkol sa mga bagay na ipapakita ko pa sa iyo.