Mga Gawa 26

At ngayon, nililitis ako sa korteng ito dahil umaasa akong tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako sa aming mga ninuno.

Acts 26:6 (UKJV) And now I stand and am judged for the hope of the promise made of God, unto our fathers:

4“Alam ng mga Hudyo kung paano ako namuhay mula sa aking pagkabata, sa aking sariling bayan at sa Jerusalem.

5Matagal na nila akong kilala, at kung gugustuhin nilaʼy sila mismo ang makapagpapatunay na namuhay ako ayon sa pinakamahigpit na sekta ng aming relihiyon, ang sekta ng mga Pariseo.

6At ngayon, nililitis ako sa korteng ito dahil umaasa akong tutuparin ng Diyos ang kanyang pangako sa aming mga ninuno.

7Ito ang pangakong inaasam na matupad ng aming labindalawang lahi. Kaya masigasig kaming naglilingkod sa Diyos araw at gabi. At dahil rin sa pag-asang ito, Haring Agripa, akoʼy pinaparatangan ng mga Hudyong ito.

8Bakit hindi makapaniwala ang mga naririto na binubuhay muli ng Diyos ang mga patay?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.