Mga Gawa 27

At dahil hindi ligtas sa malakas na hangin ang daungan doon, karamihan sa mga kasama namin ay sumang-ayon na maglayag. Nagbakasakali silang makakarating kami sa Fenix at doon magpapalipas ng taglamig. Sapagkat ang Fenix ay isang daungan sa Creta na may magandang kublihan kung taglamig.

Acts 27:12 (UKJV) And because the haven was not commodious to winter in, the more part advised to depart thence also, if by any means they might attain to Phenice, and there to winter; which is an haven of Crete, and lies toward the south west and north west.

10“Sa palagay koʼy mapanganib na kung magpapatuloy tayo, at hindi lang ang mga kargamento at ang barko ang mawawala baka pati na rin ang ating buhay.”

11Ngunit mas naniwala ang kapitan ng mga sundalo sa sinabi ng kapitan ng barko at ng may-ari nito kaysa sa payo ni Pablo.

12At dahil hindi ligtas sa malakas na hangin ang daungan doon, karamihan sa mga kasama namin ay sumang-ayon na maglayag. Nagbakasakali silang makakarating kami sa Fenix at doon magpapalipas ng taglamig. Sapagkat ang Fenix ay isang daungan sa Creta na may magandang kublihan kung taglamig.

13Nang umihip ang mahinang hangin mula sa timog, ang akala ng mga kasamahan namin ay maaari na kaming maglayag. Kaya itinaas nila ang angkla at naglayag malapit sa baybayin ng isla ng Creta.

14Hindi nagtagal, bumugso ang malakas na hilagang-silangang hangin mula sa isla ng Creta.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.