Mga Gawa 27

Sumakay kami sa isang barkong galing ng Adramicio at papunta sa mga daungan ng lalawigan ng Asia, at naglayag kami kasama si Aristarco na taga-Macedonia at mula sa Tesalonica.

Acts 27:2 (UKJV) And entering into a ship of Adramyttium, we launched, meaning to sail by the coasts of Asia; one Aristarchus, a Macedonian of Thessalonica, being with us.

1Nang mapagpasyahan nilang papuntahin kami sa Italya, ipinagkatiwala nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo kay Julio. Si Julio ay isang kapitan ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyon ng Imperyo.

2Sumakay kami sa isang barkong galing ng Adramicio at papunta sa mga daungan ng lalawigan ng Asia, at naglayag kami kasama si Aristarco na taga-Macedonia at mula sa Tesalonica.

3Kinabukasan, dumaong kami sa Sidon. Napakabuti ni Julio kay Pablo at pinahintulutan niyang dumalaw si Pablo sa kanyang mga kaibigan doon para matulungan siya sa kanyang mga pangangailangan.

4Mula roon ay naglayag muli kami. At dahil salungat sa amin ang hangin, doon kami dumaan sa kabilang bahagi ng isla ng Cyprus na kubli sa hangin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.