Mga Gawa 27

Nang mapagpasyahan nilang papuntahin kami sa Italya, ipinagkatiwala nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo kay Julio. Si Julio ay isang kapitan ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyon ng Imperyo.

Acts 27:1 (UKJV) And when it was determined that we should sail into Italy, they delivered Paul and certain other prisoners unto one named Julius, a centurion of Augustus' band.

1Nang mapagpasyahan nilang papuntahin kami sa Italya, ipinagkatiwala nila si Pablo at ang iba pang mga bilanggo kay Julio. Si Julio ay isang kapitan ng mga sundalong Romano na tinatawag na Batalyon ng Imperyo.

2Sumakay kami sa isang barkong galing ng Adramicio at papunta sa mga daungan ng lalawigan ng Asia, at naglayag kami kasama si Aristarco na taga-Macedonia at mula sa Tesalonica.

3Kinabukasan, dumaong kami sa Sidon. Napakabuti ni Julio kay Pablo at pinahintulutan niyang dumalaw si Pablo sa kanyang mga kaibigan doon para matulungan siya sa kanyang mga pangangailangan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.