Mga Gawa 27

Ngunit sumayad ang barko sa mababaw na parte ng tubig. Bumaon ang unahan nito at hindi na makaalis. Ang hulihan naman ay nawasak dahil sa salpok ng malalakas na alon.

Acts 27:41 (UKJV) And falling into a place where two seas met, they ran the ship aground; and the front part stuck fast, and remained immoveable, but the hinder part was broken with the violence of the waves.

39Nang mag-uumaga na, hindi alam ng mga tripulante kung saang isla kami napadpad, pero may nakita silang isang look na may dalampasigan, kaya nagkasundo sila na doon nila isadsad ang barko.

40Kaya pinutol nila ang mga lubid na nakatali sa angkla. Kinalag din nila ang mga tali ng timon. At itinaas nila ang layag sa unahan para tangayin ng hangin ang barko papuntang dalampasigan.

41Ngunit sumayad ang barko sa mababaw na parte ng tubig. Bumaon ang unahan nito at hindi na makaalis. Ang hulihan naman ay nawasak dahil sa salpok ng malalakas na alon.

42Papatayin na sana ng mga sundalo ang lahat ng bilanggo upang walang makalangoy papuntang dalampasigan at makatakas.

43Ngunit pinigilan sila ng kanilang kapitan dahil gusto niyang mailigtas si Pablo. Nag-utos siya na tumalon muna ang lahat ng marunong lumangoy, at mauna na sa dalampasigan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.