5Nilakbay namin ang karagatan ng Cilicia at Pamfilia, at dumaong kami sa Mira na sakop ng Licia.
6Dooʼy nakakita si Kapitan Julio ng isang barko na galing sa Alejandria at papunta sa Italya, kaya pinalipat niya kami roon.
7Mabagal ang biyahe namin. Tumagal ito ng maraming araw, at talagang nahirapan kami hanggang sa nakarating kami malapit sa Cinido. At dahil salungat ang hangin, hindi kami makatuloy sa pupuntahan namin. Kaya naglayag kami sa kabila ng isla ng Creta na kubli sa hangin sa tapat ng Salmone.
8Nahirapan kami sa pamamaybay bago makarating sa lugar na tinatawag na Magagandang Daungan, malapit sa bayan ng Lasea.
9Maraming araw ang nagugol namin sa paglalakbay, hanggang sa naging mapanganib ang panahon para magpatuloy dahil nakalipas na ang Araw ng Pag-aayuno. Kaya sinabi ni Pablo sa aming mga kasama,