Mga Gawa 27

Dooʼy nakakita si Kapitan Julio ng isang barko na galing sa Alejandria at papunta sa Italya, kaya pinalipat niya kami roon.

Acts 27:6 (UKJV) And there the centurion found a ship of Alexandria sailing into Italy; and he put us therein.

4Mula roon ay naglayag muli kami. At dahil salungat sa amin ang hangin, doon kami dumaan sa kabilang bahagi ng isla ng Cyprus na kubli sa hangin.

5Nilakbay namin ang karagatan ng Cilicia at Pamfilia, at dumaong kami sa Mira na sakop ng Licia.

6Dooʼy nakakita si Kapitan Julio ng isang barko na galing sa Alejandria at papunta sa Italya, kaya pinalipat niya kami roon.

7Mabagal ang biyahe namin. Tumagal ito ng maraming araw, at talagang nahirapan kami hanggang sa nakarating kami malapit sa Cinido. At dahil salungat ang hangin, hindi kami makatuloy sa pupuntahan namin. Kaya naglayag kami sa kabila ng isla ng Creta na kubli sa hangin sa tapat ng Salmone.

8Nahirapan kami sa pamamaybay bago makarating sa lugar na tinatawag na Magagandang Daungan, malapit sa bayan ng Lasea.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.