Mga Gawa 28

Makalipas ang tatlong buwan sa Malta, sumakay kami sa isang barkong doon nagpalipas ng taglamig. Galing sa Alejandria ang barko at may nakalagay na imahen ng kambal na diyos sa unahan nito.

Acts 28:11 (UKJV) And after three months we departed in a ship of Alexandria, which had wintered in the isle, whose sign was Castor and Pollux.

9Dahil sa pangyayaring iyon, ang lahat ng maysakit sa isla ay pumunta sa amin at napagaling din sila.

10Marami silang ibinigay sa amin na regalo. At nang paalis na kami, binigyan pa nila kami ng mga kakailanganin namin sa paglalakbay.

11Makalipas ang tatlong buwan sa Malta, sumakay kami sa isang barkong doon nagpalipas ng taglamig. Galing sa Alejandria ang barko at may nakalagay na imahen ng kambal na diyos sa unahan nito.

12Mula sa Malta, pumunta kami sa Siracusa kung saan tumigil kami nang tatlong araw.

13Mula roon, naglayag kami hanggang sa nakarating kami sa Regio. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.