Mga Gawa 28

Mula roon, naglayag kami hanggang sa nakarating kami sa Regio. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.

Acts 28:13 (UKJV) And from thence we fetched a compass, and came to Rhegium: and after one day the south wind blew, and we came the next day to Puteoli:

11Makalipas ang tatlong buwan sa Malta, sumakay kami sa isang barkong doon nagpalipas ng taglamig. Galing sa Alejandria ang barko at may nakalagay na imahen ng kambal na diyos sa unahan nito.

12Mula sa Malta, pumunta kami sa Siracusa kung saan tumigil kami nang tatlong araw.

13Mula roon, naglayag kami hanggang sa nakarating kami sa Regio. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.

14Doon, may nadatnan kaming mga kapatiran. Hiniling nilang manatili kami roon ng isang linggo. Pagkatapos, dumiretso kami sa Roma.

15Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Liwasang Apio at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.