Mga Gawa 28

Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Liwasang Apio at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Acts 28:15 (UKJV) And from thence, when the brethren heard of us, they came to meet us as far as Appii forum, and The three taverns: whom when Paul saw, he thanked God, and took courage.

13Mula roon, naglayag kami hanggang sa nakarating kami sa Regio. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.

14Doon, may nadatnan kaming mga kapatiran. Hiniling nilang manatili kami roon ng isang linggo. Pagkatapos, dumiretso kami sa Roma.

15Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Liwasang Apio at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

16Pagdating namin sa Roma, pinahintulutan si Pablo na tumira kahit saan niya gusto, pero may isang sundalong magbabantay sa kanya.

17Pagkalipas ng tatlong araw, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno ng mga Hudyo sa Roma. Nang nagkatipon-tipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, kahit na wala akong nagawang kasalanan laban sa ating bayan o sa mga kaugaliang mula sa ating mga ninuno ay dinakip nila ako sa Jerusalem at inakusahan sa gobyerno ng Roma.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.