Mga Gawa 28

Doon, may nadatnan kaming mga kapatiran. Hiniling nilang manatili kami roon ng isang linggo. Pagkatapos, dumiretso kami sa Roma.

Acts 28:14 (UKJV) Where we found brethren, and were desired to tarry with them seven days: and so we went toward Rome.

12Mula sa Malta, pumunta kami sa Siracusa kung saan tumigil kami nang tatlong araw.

13Mula roon, naglayag kami hanggang sa nakarating kami sa Regio. Kinabukasan, umihip ang habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli.

14Doon, may nadatnan kaming mga kapatiran. Hiniling nilang manatili kami roon ng isang linggo. Pagkatapos, dumiretso kami sa Roma.

15Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Liwasang Apio at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

16Pagdating namin sa Roma, pinahintulutan si Pablo na tumira kahit saan niya gusto, pero may isang sundalong magbabantay sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.