Mga Gawa 28

Pagkalipas ng tatlong araw, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno ng mga Hudyo sa Roma. Nang nagkatipon-tipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, kahit na wala akong nagawang kasalanan laban sa ating bayan o sa mga kaugaliang mula sa ating mga ninuno ay dinakip nila ako sa Jerusalem at inakusahan sa gobyerno ng Roma.

Acts 28:17 (UKJV) And it came to pass, that after three days Paul called the chief of the Jews together: and when they were come together, he said unto them, Men and brethren, though I have committed nothing against the people, or customs of our fathers, yet was I delivered prisoner from Jerusalem into the hands of the Romans.

15Nang marinig ng mga kapatid sa Roma na dumating kami, sinalubong nila kami sa Liwasang Apio at sa Tres Tabernas. Nang makita ni Pablo ang mga kapatid, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

16Pagdating namin sa Roma, pinahintulutan si Pablo na tumira kahit saan niya gusto, pero may isang sundalong magbabantay sa kanya.

17Pagkalipas ng tatlong araw, ipinatawag ni Pablo ang mga pinuno ng mga Hudyo sa Roma. Nang nagkatipon-tipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, kahit na wala akong nagawang kasalanan laban sa ating bayan o sa mga kaugaliang mula sa ating mga ninuno ay dinakip nila ako sa Jerusalem at inakusahan sa gobyerno ng Roma.

18Nilitis ako ng mga Romanong opisyal, at nang malaman nila na wala akong nagawang masama upang hatulan ng kamatayan, ninais nilang palayain ako.

19Ngunit tumutol ang mga Hudyo kaya napilitan akong umapela sa Emperador ng Roma kahit wala akong balak na paratangan ang aking mga kababayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.