Mga Gawa 28

Sinagot nila si Pablo, “Wala kaming natanggap na sulat mula sa Judea tungkol sa iyo. Ang mga kapwa nating Hudyo na dumating dito galing sa Jerusalem ay wala ring ibinalita o sinabi laban sa iyo.

Acts 28:21 (UKJV) And they said unto him, We neither received letters out of Judaea concerning you, neither any of the brethren that came showed or spoke any harm of you.

19Ngunit tumutol ang mga Hudyo kaya napilitan akong umapela sa Emperador ng Roma kahit wala akong balak na paratangan ang aking mga kababayan.

20Ito ang dahilan kung bakit hiniling kong makita at makausap kayo, sapagkat nakakadena ako ngayon dahil sa pananampalataya ko sa pag-asa ng Israel.”

21Sinagot nila si Pablo, “Wala kaming natanggap na sulat mula sa Judea tungkol sa iyo. Ang mga kapwa nating Hudyo na dumating dito galing sa Jerusalem ay wala ring ibinalita o sinabi laban sa iyo.

22Ngunit gusto rin naming marinig kung ano ang iyong sasabihin, dahil alam namin na kahit saang lugar, minamasama ng mga tao ang sekta mong iyan.”

23Kaya nagtakda sila ng araw para magtipong muli. Pagdating ng araw na iyon, lalong dumami ang pumunta sa bahay na tinutuluyan ni Pablo. Pinatunayan niya sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos, at ipinaliwanag niya ang tungkol kay Hesus gamit ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta para sumampalataya sila sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.