Mga Gawa 28

At dahil sa hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Ngunit bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, “Totoo ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias.

Acts 28:25 (UKJV) And when they agreed not among themselves, they departed, after that Paul had spoken one word, Well spoke the Holy Spirit by Isaiah the prophet unto our fathers,

23Kaya nagtakda sila ng araw para magtipong muli. Pagdating ng araw na iyon, lalong dumami ang pumunta sa bahay na tinutuluyan ni Pablo. Pinatunayan niya sa kanila ang tungkol sa paghahari ng Diyos, at ipinaliwanag niya ang tungkol kay Hesus gamit ang Kautusan ni Moises at ang isinulat ng mga propeta para sumampalataya sila sa kanya.

24Ang iba ay naniwala sa kanyang sinabi, ngunit ang iba naman ay hindi.

25At dahil sa hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Ngunit bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, “Totoo ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias.

26Sapagkat sinabi niya: ‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa, at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita,

27sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito. Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.