24Ang iba ay naniwala sa kanyang sinabi, ngunit ang iba naman ay hindi.
25At dahil sa hindi sila magkasundo, nagsiuwian sila. Ngunit bago sila umalis, sinabi ni Pablo sa kanila, “Totoo ang sinabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias.
26Sapagkat sinabi niya: ‘Puntahan mo ang mga taong ito at sabihin mo sa kanila na kahit makinig sila, hindi sila makakaunawa, at kahit tumingin sila, hindi sila makakakita,
27sapagkat matigas ang puso ng mga taong ito. Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”
28“Ibig ko ring malaman ninyo na ang salita ng Diyos tungkol sa kaligtasan ay naibahagi na sa mga Hentil, at sila ay talagang nakikinig.” [