Mga Gawa 3

Isang araw, bandang alas tres ng hapon, pumunta sina Pedro at Juan sa Templo. Oras noon ng pananalangin.

Acts 3:1 (UKJV) Now Peter and John went up together into the temple at the hour of prayer, being the ninth hour.

1Isang araw, bandang alas tres ng hapon, pumunta sina Pedro at Juan sa Templo. Oras noon ng pananalangin.

2Samantala, may isang lalaking lumpo mula pagkasilang ang buhat-buhat papuntang Templo. Araw-araw siyang dinadala sa pintuang tinatawag na Maganda, para makapanglimos sa mga taong pumapasok sa Templo.

3Nang makita niya sina Pedro at Juan na papasók, humingi siya ng limos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.