Mga Gawa 3

“Mga kapatid, alam kong ginawa ninyo iyon kay Hesus dahil hindi nʼyo alam kung sino talaga siya, gayundin ang inyong mga pinuno.

Acts 3:17 (UKJV) And now, brethren, I know that through ignorance all of you did it, as did also your rulers.

15Pinatay nʼyo ang nagbibigay ng buhay, ngunit binuhay siyang muli ng Diyos. Kami ay saksi sa muli niyang pagkabuhay.

16Ang pananampalataya sa pangalan ni Hesus ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong nakikita at nakikilala. Kayo rin ay mga saksi na gumaling siya. Ang pananampalataya kay Hesus ang nagpagaling sa kanya nang ganap gaya ng nakikita ninyo ngayon.

17“Mga kapatid, alam kong ginawa ninyo iyon kay Hesus dahil hindi nʼyo alam kung sino talaga siya, gayundin ang inyong mga pinuno.

18Ngunit sa ganitong paraan, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta, na ang Mesias ay kinakailangang magdusa.

19Kaya ngayon, magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin niya ang inyong mga kasalanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.