Mga Gawa 3

Ang pananampalataya sa pangalan ni Hesus ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong nakikita at nakikilala. Kayo rin ay mga saksi na gumaling siya. Ang pananampalataya kay Hesus ang nagpagaling sa kanya nang ganap gaya ng nakikita ninyo ngayon.

Acts 3:16 (UKJV) And his name through faith in his name has made this man strong, whom all of you see and know: yea, the faith which is by him has given him this perfect soundness in the presence of you all.

14Siya ang Banal at Matuwid, ngunit itinakwil ninyo siya, at sa halip mas pinili pa ninyong hilingin na pakawalan ang isang mamamatay-tao.

15Pinatay nʼyo ang nagbibigay ng buhay, ngunit binuhay siyang muli ng Diyos. Kami ay saksi sa muli niyang pagkabuhay.

16Ang pananampalataya sa pangalan ni Hesus ang siyang nagpalakas sa taong ito na inyong nakikita at nakikilala. Kayo rin ay mga saksi na gumaling siya. Ang pananampalataya kay Hesus ang nagpagaling sa kanya nang ganap gaya ng nakikita ninyo ngayon.

17“Mga kapatid, alam kong ginawa ninyo iyon kay Hesus dahil hindi nʼyo alam kung sino talaga siya, gayundin ang inyong mga pinuno.

18Ngunit sa ganitong paraan, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta, na ang Mesias ay kinakailangang magdusa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.