22Katulad ng sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon na inyong Diyos ay magpapadala sa inyo ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo. Makinig kayo sa lahat ng sasabihin niya.
23Ang taong hindi nakikinig sa sinasabi ng propetang ito ay tuluyang ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’
24“Ang lahat ng mga propeta – simula kay Samuel at ang mga sumunod sa kanya – ay nagpahayag din tungkol sa mga bagay na nangyayari ngayon.
25Kayo ay mula sa lahi ng mga propeta, at kabilang kayo sa kasunduang ginawa ng Diyos sa inyong mga ninuno, noong sinabi niya kay Abraham, ‘Sa pamamagitan ng iyong lahi, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.’
26Nang muling binuhay ng Diyos ang kanyang lingkod, sa inyo niya ito unang isinugo, upang pagpalain kayoʼt talikuran ninyo ang inyong masasamang pamumuhay.”