Mga Gawa 3

Katulad ng sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon na inyong Diyos ay magpapadala sa inyo ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo. Makinig kayo sa lahat ng sasabihin niya.

Acts 3:22 (UKJV) For Moses truly said unto the fathers, A prophet shall the Lord your God raise up unto you of your brethren, like unto me; him shall all of you hear in all things whatsoever he shall say unto you.

20Kapag ginawa ninyo ito, mararanasan ninyo ang panahon ng kaginhawahang mula sa Panginoon, at isusugo niya si Hesus, ang Mesias na itinalaga niya noon para sa inyo.

21Ngunit kinakailangang manatili muna si Hesus sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay. Iyan ang ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.

22Katulad ng sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon na inyong Diyos ay magpapadala sa inyo ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo. Makinig kayo sa lahat ng sasabihin niya.

23Ang taong hindi nakikinig sa sinasabi ng propetang ito ay tuluyang ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’

24“Ang lahat ng mga propeta – simula kay Samuel at ang mga sumunod sa kanya – ay nagpahayag din tungkol sa mga bagay na nangyayari ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.