Mga Gawa 3

Ngunit kinakailangang manatili muna si Hesus sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay. Iyan ang ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.

Acts 3:21 (UKJV) Whom the heaven must receive until the times of restitution of all things, which God has spoken by the mouth of all his holy prophets since the world began.

19Kaya ngayon, magsisi na kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin niya ang inyong mga kasalanan.

20Kapag ginawa ninyo ito, mararanasan ninyo ang panahon ng kaginhawahang mula sa Panginoon, at isusugo niya si Hesus, ang Mesias na itinalaga niya noon para sa inyo.

21Ngunit kinakailangang manatili muna si Hesus sa langit hanggang sa dumating ang panahon ng pagpapanumbalik ng lahat ng mga bagay. Iyan ang ipinangako ng Diyos noon sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta.

22Katulad ng sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon na inyong Diyos ay magpapadala sa inyo ng isang propetang katulad ko mula sa lahi ninyo. Makinig kayo sa lahat ng sasabihin niya.

23Ang taong hindi nakikinig sa sinasabi ng propetang ito ay tuluyang ihihiwalay sa bayan ng Diyos at lilipulin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.