Mga Gawa 3

At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito upang tulungang tumayo. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong.

Acts 3:7 (UKJV) And he took him by the right hand, and lifted him up: and immediately his feet and ankle bones received strength.

5Tumingin ang lalaki sa kanila na naghihintay na malimusan.

6Ngunit sinabi ni Pedro sa kanya, “Wala ako ni isang kusing. Ngunit ibibigay ko saʼyo kung anoʼng mayroon ako. Sa pangalan ni Hesu-Kristo na taga-Nazaret, tumayo ka at lumakad!”

7At hinawakan ni Pedro ang kanang kamay nito upang tulungang tumayo. Biglang lumakas ang kanyang mga paa at bukong-bukong.

8Palukso siyang tumayo at nagsimulang maglakad-lakad. Pagkatapos, pumasok siya sa Templo kasama nina Pedro at Juan habang palakad-lakad at patalon-talon na nagpupuri sa Diyos.

9Nakita siya ng lahat ng tao roon na naglalakad at nagpupuri sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.