19Ngunit sumagot sina Pedro at Juan, “Alin sa palagay ninyo ang tama sa paningin ng Diyos, ang sundin kayo o ang sundin siya? Kayo ang humusga!
20Ngunit kami, hindi namin kayang tumigil sa pagpapahayag tungkol sa aming nakita at narinig.”
21Kaya lalo pa silang pinagbawalan nang mahigpit bago sila pinakawalan. Hindi sila magawang parusahan sapagkat lahat ng mga tao dooʼy nagpupuri sa Diyos dahil sa nangyaring himala,
22ang pagpapagaling sa lalaking lumpo na mahigit nang apatnapung taóng gulang.
23Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita kung ano ang sinabi sa kanila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo.