28Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.
29At ngayon, Panginoon, tingnan nʼyo po kung paano nila kami pagbantaan. Tulungan nʼyo po kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita.
30Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan na magpagaling at gumawa ng mga tanda at kababalaghan sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Hesus.”
31Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.
32Nagkaisa ang mga mananampalataya sa damdamin at isipan. Itinuring ng bawat isa na ang kanilang mga ari-arian ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa lahat.