Mga Gawa 4

At ngayon, Panginoon, tingnan nʼyo po kung paano nila kami pagbantaan. Tulungan nʼyo po kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita.

Acts 4:29 (UKJV) And now, Lord, behold their threatenings: and grant unto your servants, that with all boldness they may speak your word,

27Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang.

28Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.

29At ngayon, Panginoon, tingnan nʼyo po kung paano nila kami pagbantaan. Tulungan nʼyo po kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita.

30Ipakita nʼyo po ang inyong kapangyarihan na magpagaling at gumawa ng mga tanda at kababalaghan sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Hesus.”

31Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar kung saan sila nagkakatipon. Lahat silaʼy napuspos ng Banal na Espiritu at ipinahayag nang buong tapang ang salita ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.