Mga Gawa 4

Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang.

Acts 4:27 (UKJV) For truthfully against your holy child Jesus, whom you have anointed, both Herod, and Pontius Pilate, with the Gentiles, and the people of Israel, were gathered together,

25nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan?

26Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.’

27Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang.

28Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.

29At ngayon, Panginoon, tingnan nʼyo po kung paano nila kami pagbantaan. Tulungan nʼyo po kami na inyong mga lingkod na maging matapang sa pangangaral ng inyong salita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.