Mga Gawa 4

nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan?

Acts 4:25 (UKJV) Who by the mouth of your servant David have said, Why did the heathen rage, and the people imagine vain things?

23Nang pinakawalan na sina Pedro at Juan, bumalik sila sa kanilang mga kasamahan, at ibinalita kung ano ang sinabi sa kanila ng mga namamahalang pari at ng mga pinuno ng mga Hudyo.

24Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng nasa mga ito,

25nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan?

26Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.’

27Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.