24Nang marinig nila iyon, nagkaisa silang nanalangin sa Diyos. Sinabi nila, “Panginoon na makapangyarihan sa lahat, ang lumikha ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng nasa mga ito,
25nagsalita kayo sa pamamagitan ng aming ninunong si David na inyong lingkod. Sinabi niya sa patnubay ng Banal na Espiritu, ‘Bakit matindi ang galit ng mga bansa? Bakit ang mga taoʼy gumagawa ng mga planong wala namang patutunguhan?
26Ang mga hari ng mundoʼy handa nang makipagdigma, ang mga pinuno ay nagkaisa, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Mesias.’
27Iyon nga ang mismong nangyari dito sa Jerusalem. Nagkaisa sina Herodes Antipas at Gobernador Poncio Pilato, kasama ang mga Hentil at ang mga Israelita, laban sa inyong banal na lingkod na si Hesus na inyong hinirang.
28Sa kanilang ginawa, natupad na ang itinakda ninyo noon. At itoʼy nangyari ayon sa inyong kapangyarihan at kalooban.