18Kaya dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo.
19Ngunit kinagabihan, binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan at pinalabas sila. Sinabi niya sa kanila,
20“Pumunta kayo sa templo at sabihin ninyo sa mga tao ang mensaheng ito na nakapagbibigay-buhay.”
21Nakinig sila sa anghel, kaya pagsikat ng araw, pumasok sila sa Templo at nagsimulang magturo sa mga tao. Samantala, dumating ang punong pari at mga kasamahan niya at ipinatawag nila ang Sanhedrin: ang buong kapulungan ng mga pinuno ng Israel. May mga inutusan silang pumunta sa bilangguan para kunin ang mga apostol at dalhin sa kanila.
22Ngunit pagdating ng mga guwardiya ng Templo doon sa bilangguan, wala na roon ang mga apostol. Kaya bumalik sila kung saan naroon ang Sanhedrin at sinabi,