Mga Gawa 5

Siya namang pagdating ng isang taong nagbalita ng ganito, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.”

Acts 5:25 (UKJV) Then came one and told them, saying, Behold, the men whom all of you put in prison are standing in the temple, and teaching the people.

23“Pagdating namin sa bilangguan, nadatnan naming nakakandado pa ang mga pintuan, at nakabantay doon ang mga guwardiya. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob.”

24Nang marinig ito ng kapitan ng mga guwardiya sa Templo at ng mga namamahalang pari, naguluhan sila at hindi maubos-maisip kung ano ang kahahantungan nito.

25Siya namang pagdating ng isang taong nagbalita ng ganito, “Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa Templo at nagtuturo sa mga tao.”

26Agad na pumunta sa templo ang kapitan ng mga guwardiya at ang kanyang mga tauhan. Dinakip nila ang mga apostol pero hindi sila gumamit ng dahas dahil natatakot silang batuhin ng mga tao.

27Dinala nila ang mga apostol at iniharap sa Sanhedrin. Tinanong sila ng punong pari,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.