Mga Gawa 5

“Hindi baʼt pinagbawalan na namin kayong magturo tungkol sa pangalang ito? Ngunit tingnan ninyo ang ginawa nʼyo! Kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem, at kami pa ang pinagbibintangan ninyong pumatay sa kanya!”

Acts 5:28 (UKJV) Saying, Did not we strictly command you that all of you should not teach in this name? and, behold, all of you have filled Jerusalem with your doctrine, and intend to bring this man's blood upon us.

26Agad na pumunta sa templo ang kapitan ng mga guwardiya at ang kanyang mga tauhan. Dinakip nila ang mga apostol pero hindi sila gumamit ng dahas dahil natatakot silang batuhin ng mga tao.

27Dinala nila ang mga apostol at iniharap sa Sanhedrin. Tinanong sila ng punong pari,

28“Hindi baʼt pinagbawalan na namin kayong magturo tungkol sa pangalang ito? Ngunit tingnan ninyo ang ginawa nʼyo! Kumalat na ang inyong aral sa buong Jerusalem, at kami pa ang pinagbibintangan ninyong pumatay sa kanya!”

29Sumagot si Pedro at ang ibang apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.

30Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na ipinapatay ninyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.