Mga Gawa 5

Itinaas ng Diyos si Hesus, at iniluklok sa kanyang kanan bilang Pinuno at Tagapagligtas, upang tayong mga Israelita ay mabigyan ng pagkakataong magsisi at talikuran ang ating mga kasalanan, at mapatawad.

Acts 5:31 (UKJV) Him has God exalted with his right hand to be a Prince and a Saviour, in order to give repentance to Israel, and forgiveness of sins.

29Sumagot si Pedro at ang ibang apostol, “Ang Diyos ang dapat naming sundin, hindi ang tao.

30Ang Diyos ng ating mga ninuno ang muling bumuhay kay Hesus na ipinapatay ninyo sa pamamagitan ng pagpako sa krus.

31Itinaas ng Diyos si Hesus, at iniluklok sa kanyang kanan bilang Pinuno at Tagapagligtas, upang tayong mga Israelita ay mabigyan ng pagkakataong magsisi at talikuran ang ating mga kasalanan, at mapatawad.

32Saksi kami na ang lahat ng ito ay totoo, at ganoon din ang Banal na Espiritu na ibinigay ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa kanya.”

33Nang marinig ito ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila at binalak nilang patayin ang mga apostol.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.