Mga Gawa 5

Pagkatapos, sinabi ni Gamaliel sa Sanhedrin, “Mga kababayan kong Israelita, pag-isipan ninyong mabuti ang binabalak ninyong gawin sa mga taong iyan.

Acts 5:35 (UKJV) And said unto them, All of you men of Israel, take heed to yourselves what all of you intend to do as concerning these men.

33Nang marinig ito ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila at binalak nilang patayin ang mga apostol.

34Ngunit tumayo ang isa sa kanila na nagngangalang Gamaliel, isang Pariseo at tagapagturo ng Kautusan na iginagalang ng lahat. Ipinag-utos niya na ilabas muna ang mga apostol.

35Pagkatapos, sinabi ni Gamaliel sa Sanhedrin, “Mga kababayan kong Israelita, pag-isipan ninyong mabuti ang binabalak ninyong gawin sa mga taong iyan.

36Sapagkat noong araw ay may isang taong ang pangalan ay Teudas na nagpanggap na isang importanteng tao. Mga 400 katao ang naging alagad niya. Ngunit sa bandang huli, pinatay siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak, at walang kinahinatnan ang grupo niya.

37Pagkatapos, noong panahon ng sensus, si Judas naman na taga-Galilea ang nakahikayat ng mga alagad. Ngunit pinatay din siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.