Mga Gawa 5

Ngunit tumayo ang isa sa kanila na nagngangalang Gamaliel, isang Pariseo at tagapagturo ng Kautusan na iginagalang ng lahat. Ipinag-utos niya na ilabas muna ang mga apostol.

Acts 5:34 (UKJV) Then stood there up one in the council, a Pharisee, named Gamaliel, a doctor of the law, had in reputation among all the people, and commanded to put the apostles forth a little space;

32Saksi kami na ang lahat ng ito ay totoo, at ganoon din ang Banal na Espiritu na ibinigay ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa kanya.”

33Nang marinig ito ng mga miyembro ng Sanhedrin, galit na galit sila at binalak nilang patayin ang mga apostol.

34Ngunit tumayo ang isa sa kanila na nagngangalang Gamaliel, isang Pariseo at tagapagturo ng Kautusan na iginagalang ng lahat. Ipinag-utos niya na ilabas muna ang mga apostol.

35Pagkatapos, sinabi ni Gamaliel sa Sanhedrin, “Mga kababayan kong Israelita, pag-isipan ninyong mabuti ang binabalak ninyong gawin sa mga taong iyan.

36Sapagkat noong araw ay may isang taong ang pangalan ay Teudas na nagpanggap na isang importanteng tao. Mga 400 katao ang naging alagad niya. Ngunit sa bandang huli, pinatay siya at ang kanyang mga alagad ay nagkawatak-watak, at walang kinahinatnan ang grupo niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.