Mga Gawa 6

Sa ganitong paraan, naudyukan nilang magalit ang mga tao, ang mga pinuno ng mga Hudyo, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Dinakip nila si Esteban at iniharap sa Sanhedrin.

Acts 6:12 (UKJV) And they stirred up the people, and the elders, and the scribes, and came upon him, and caught him, and brought him to the council,

10Ngunit hindi nila siya kayang talunin dahil sa karunungang kaloob sa kanya ng Espiritu.

11Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin siyang nagsasalita ng kalapastanganan laban kay Moises at sa Diyos.”

12Sa ganitong paraan, naudyukan nilang magalit ang mga tao, ang mga pinuno ng mga Hudyo, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Dinakip nila si Esteban at iniharap sa Sanhedrin.

13Mayroon din silang iniharap na mga bulaang saksi na nagsabi, “Ang taong ito ay palaging nagsasalita laban sa ating banal na Templo at sa Kautusan.

14Narinig naming sinabi niya na gigibain nitong si Hesus na taga-Nazaret ang ating Templo at babaguhin niya ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.