Mga Gawa 6

Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin siyang nagsasalita ng kalapastanganan laban kay Moises at sa Diyos.”

Acts 6:11 (UKJV) Then they suborned men, which said, We have heard him speak blasphemous words against Moses, and against God.

9Subalit nakipagtalo sa kanya ang ilan sa mga Hudyong mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia na kasapi sa Sinagoga ng mga Pinalayang Alipin.

10Ngunit hindi nila siya kayang talunin dahil sa karunungang kaloob sa kanya ng Espiritu.

11Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin siyang nagsasalita ng kalapastanganan laban kay Moises at sa Diyos.”

12Sa ganitong paraan, naudyukan nilang magalit ang mga tao, ang mga pinuno ng mga Hudyo, at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Dinakip nila si Esteban at iniharap sa Sanhedrin.

13Mayroon din silang iniharap na mga bulaang saksi na nagsabi, “Ang taong ito ay palaging nagsasalita laban sa ating banal na Templo at sa Kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.