Mga Gawa 6

Subalit nakipagtalo sa kanya ang ilan sa mga Hudyong mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia na kasapi sa Sinagoga ng mga Pinalayang Alipin.

Acts 6:9 (UKJV) Then there arose certain of the synagogue, which is called the synagogue of the Libertines, and Cyrenians, and Alexandrians, and of them of Cilicia and of Asia, disputing with Stephen.

7Kaya patuloy na lumaganap ang salita ng Diyos at mabilis na dumami ang mga naging alagad sa Jerusalem, at maraming paring Hudyo ang sumampalataya sa kanya.

8Si Esteban, na puno ng biyaya at kapangyarihang mula sa Diyos, ay gumawa ng mga kamangha-manghang himala at tanda sa harap ng mga tao.

9Subalit nakipagtalo sa kanya ang ilan sa mga Hudyong mula sa Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia na kasapi sa Sinagoga ng mga Pinalayang Alipin.

10Ngunit hindi nila siya kayang talunin dahil sa karunungang kaloob sa kanya ng Espiritu.

11Kaya lihim nilang sinulsulan ang ilang tao na magsabi, “Narinig namin siyang nagsasalita ng kalapastanganan laban kay Moises at sa Diyos.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.