Mga Gawa 7

“Dumating ang panahon na nagkaroon ng taggutom sa buong Ehipto at Canaan. Hirap na hirap ang mga tao, at ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain.

Acts 7:11 (UKJV) Now there came a dearth over all the land of Egypt and Chanaan, and great affliction: and our fathers found no sustenance.

9“Ang mga ninuno natin ay nainggit sa kapatid nilang si Jose, kaya ipinagbili siya para maging alipin sa Ehipto. Subalit kasama niya ang Diyos

10na nagliligtas sa kanya sa lahat ng paghihirap na dinanas niya. Pinagkalooban siya ng Diyos ng karunungan, kaya nalugod sa kanya ang Faraon na hari ng Ehipto. Hinirang ng Faraon si Jose na maging gobernador ng buong Ehipto at tagapamahala ng buong sambahayan niya.”

11“Dumating ang panahon na nagkaroon ng taggutom sa buong Ehipto at Canaan. Hirap na hirap ang mga tao, at ang ating mga ninuno ay walang makunan ng pagkain.

12Nang mabalitaan ni Jacob na may pagkain sa Ehipto, pinapunta niya doon ang ating mga ninuno. Iyon ang una nilang pagpunta doon.

13Sa pangalawang beses nilang pagpunta doon, nagpakilala na si Jose sa kanyang mga kapatid, at nakilala ni Faraon ang pamilya ni Jose.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.